Lyka Alburo Stomach Girl Ng Pinoy Henyo Eat Bulaga Nanindigan Na Hindi Sila Nandaya Ni Ryan

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome

 

Lyka Alburo o Stomach girl ng Pinoy Henyo ng Eat Bulaga nanindigan na hindi daw sila nandaya ng kasama niyang si Ryan.


Ipinaliwanag na ni Lyka o Stomach Girl kung bakit daw siya ay nag mukhang nangdaya sa Pinoy Henyon episode na kumakalat ngayon sa social media.


Sa isang Facebook account na naka pangalan kay Lyka Alburo ay makikita ang nasabing post na kung saan ay nagpaliwanag nga itong si Lyka sa maging issue nila ng kasama niyang si Ryan. 


Nanindigan si Lyka na hindi daw sila nandaya ni Ryan sabi niya, ang nangyari daw umano ay may bigla daw na dumampi na buhok sa kanyang muka kaya naman daw nagtila bumulong siya ng salitang stomach.


Gayunpaman ay nagpapasalamat din daw siya sa Eat Bulaga dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makapaglaro sa Pinoy Henyo.


Heto naman ang buong paliwanag ni Lyka sa nasabing post. "Kung inaakala niyong nandaya kami, hindi po iyon totoo. Nagkataon lang po na may buhok na dumampi sa mukha ko, kaya akala niyo stomach yun."


Ang nasabi namang facebook account ay patuloy daw na nagbibigay ng update sa buhay ni Lyka pero hindi lang daw natin alam kung ito nga ay tunay na account ni Lyka Alburo.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo