Anne Curtis pinaiyak ang fan na hindi nakapasok sa ‘Showtime’: ‘Hindi niya kailangang gawin ‘to, but grabe!’

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Sparkle

 



MARAMING napa-"sana all" sa isang super fan na ibinandera ang fangirling moment kasama ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis.


Base sa viral Twitter post ng username na @gladyzzann, gumawa ng paraan ang kanyang idolo at ito mismo ang nakipagkita.


Patuloy ng kuwento niya, dahil hindi siya umabot sa cut-off ng antigen testing na isa sa mga kinakailangan para maging studio audience ng noontime variety show na "It's Showtime."


Dahil gusto raw niyang makita si Anne, naglakas-loob siyang mag-message dito sa Instagram.


“So ‘di kami nakanood sa studio kanina, balak sana namin siya dalawin before her birthday. Then I just tried to message her na hindi kami nakapasok. Then ayun na nga, ‘yung usapan namin kanina super nanghihinayang siya,” chika ni Gladyz.


Aniya, gumawa pa ng paraan si Anne para makapasok siya, pero mahigpit talaga ang studio protocols.





“Ito ‘yung nagpaiyak sakin…knowing that she literally tried her best way din pala na papasukin pa kami but we both failed kasi until 11am lang cut off ng test,” emosyonal na kwento ni Gladyz.


Gayunpaman, dahil pursigido ang fan na makita ang kanyang idolo, nagtiyaga siyang maghintay sa labas at hindi ito nabigo dahil nakilala pa rin siya ni Anne.


Saad niya sa post, “GRABE LANG [crying emoji] mahal na mahal ka namin Anne Curtis. Walang makaka-describe as in!”


Dagdag niya, “We informed her na nag-stay pa kami and hoping na makita na lang namin siya after ng show. AND THE REST IS HISTORY!!! Ang haba din ng time na nakasama namin siya, sobrang worth it ang paghihintay grabe!!!”


Aniya, “We deserve you, Ate Anne. Pero lagi mo pinaparamdam samin na deserve namin maging fans mo [red heart emoji].


“An established well-known superstar and yet, sobrang sweet sa mga fans. Hindi niya kailangang gawin ‘to but grabe. Kita mong mahal niya rin talaga kami [crying emoji].”



Tuwang-tuwa ang libu-libong fans sa magandang kilos ni Anne na talagang nagpapasalamat sa kanyang mga tagasuporta.


Narito ang ilan sa mga komentong nabasa namin sa viral post:


“Wow sana all! Siya rin ang dyosa ng buhay ko. Super bait ni Anne Curtis noon hanggang ngayon idol ko po siya.”


“omg! very sana all [crying emoji]”


“Queen thingz. OMG! [red heart emojis]”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo