Vice Ganda Nag-file Ng Kas0 Laban Kay Cristy Fermin Dahil Sa Paninlrang Purl Nito Sa Kanya!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Sparkle

 



Ikinagulat ng Marites ang mga pasabog na usapan sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin at ng kanyang co-host na sina Rommel Chika at Wendell Alvarez.


Matalas daw ang dila ng It's Showtime host at partner ni Vice Ganda na si Ion Perez.


Nabaling ang usapan kina Vice Ganda at Ion matapos mapag-usapan ng tatlo ang isyu sa pagitan ng komedyante at co-host na si Karylle.


Nabanggit nila na mabait at approachable talaga si Karylle lalo na sa audience ng noontime show.


Ayon kay Cristy, nakarating sa kanya ang balita na talagang insecure ang komedyante sa sinumang celebrity kahit hindi niya kapantay o iba ang linya.


Kung tutuusin, bihira silang mag-usap tungkol sa dalawa sa kanilang vlog, pero ang daming sinasabi ng komedyante tungkol sa kanila.


Parang matalas ang dila ni Ion at nahawa daw kay Vice.


"Si Ion na kung ituring ng ating mga kababayan ay ibong nakatungtung sa ibabaw ng kalabaw, pero ngayon ay umaakto na ring kalabaw", say pa ni Cristy.


"Matalas ang dila ni Ion, napakatalas ng dila. Matapos niyang sabihin na may nagtanong daw sa kanya, bakit ka pumatol kay Vice?"


"Bakit sa beki? Anong sagot niya? Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin. So, aminado siya na comfort future ang kanyang ano, di ba?"


"Matalas ang dila ni Ion, parang sumasabay na kay Vice", dagdag pa. 


Reklamo pa ni Rommel Chika, siya raw dapat ang kumokontrol o nagpreno kay Vice, pero nakikisabay pa daw siya.




Nagtataka pa rin si Cristy kung bakit napakasensitive daw ni Vice pagdating sa bashers gayong galing naman daw ito sa isang comedy bar.


Sanay sa bardahan, tapos nasa kanya na ang lahat. Sa vlog din na ito, ang tsismis tungkol sa umano'y amoy ng komedyante ay pinalaki ni Wendell at tinapos ni Cristy.


"Napakalapit sa kanya na nagkwento sa akin, tutal din lang tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosang chaka, di ba?"


"Okay, hindi ka namin papatulan pero may ikukuwento kami. Hindi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sayo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy imburnal", saad ni Cristy.


Bigla nitong tinanong si Rommel Chika, "ikaw na kasama niya, totoo o hindi?"


"Eh may bubblegum sya eh", sagot ni Rommel sabay nagtawanan ang tatlo.


Ang sabi niya, "ang lakas lakas ng loob niya na mamintas. Jusko, kung alam niyo lang, ang tindi ng amoy ng hininga niyan."


"Parang bulok na daga", dagdag pa ng showbiz columnist. Sinundot ni Wendell, noong nasa comedy bar pa ang komedyante, naging biro raw ito.


"Wala ba kayong naaamoy?" Kapag dumarating na raw ang komedyante.


"Huwag kang mamintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sayong resibo", hirit pa ng host.


Samantala, ayon sa aming source, malapit nang magsampa ng kaso ang kampo ni Vice Ganda laban kay Manay Cristy Fermin dahil sa paninirang-puri nito kay Vice na walang basehan at walang katotohanan.


Ayon sa netizens, dapat lang daw ito kay Cristy para magtanda siya at matuto sa kanyang pagtsitsismis at pagsawsaw sa isyu sa ilang artista.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo