Just in: Kris Aquino Natuklasang Baka May Cancer? Di Mapigilang Maiyak, Josh at Bimby Nalungkot

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Jerome


Kris Aquino hindi mapigilan ang mapaiyak dahil sa bago nitong laboratory result na aniya ay scary red flags.

Di napigil na maiyak ng Queen of all media na si Kris Aquino ng makita niya ang kanyang bagong medical laboratory results. Siya ngayon ay kasalukuyang nagpapagaling sa America.

Nito lamang February 14 sa kanya mismong kaarawan ay muli siyang nag-update sa kanyang social media account. Binahagi ni Kris ang kasalukuyang sitwasyon nila ng kanyang mga anak sa bahay, nasabi naman ni Kris na sa mga huling linggo na daw nitong buwan nato mag sisimula ang kanyang matinding gamutan sa kanyang mga karamdaman. 

Samantala sakanyang bagong update naman ngayon sa social media ay ibinahagi niya ang kanyang naging reaction matapos niyang mabasa ang kanyang medical laboratory result. "I promised myself after reading my latest results that had 1 unexpected & admittedly scary red flag (not autoimmune related) after iniyak ko na, TAMA NA. If ever that borderline number signals early detection, I am still blessed…IN FAITH I SURRENDER ALL to GOD…"

May bago na naman daw kasing natuklasan ang mga doktor ni Kris na sakit na hindi daw related sa kanyang autoimmune na ikinaluha ni Kris Aquino. Kumpara sa mga panahong puno pa ng pag-asa si Kris na malulunasan ang kanyang karamdaman. Dahil ngayon ay tila malungkot si Kris dahil nga sa bagong natuklasan ng mga doktor. 

Dagdag naman ni Kris, "Sa dami nyong nagdarasal for me, kung umabot na kailangan ng mas aggressive na treatment (at a higher dosage it’s considered chemotherapy) imposibleng hindi tayo pagbibigyan ng ating Mahal na Ama."

Samantala marami pa rin sa mga tagasuporta at mga kaibigan ni Kris Aquino na nagdarasal at umaasang tuluyan na itong gumaling. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo