Skusta Clee Standee Lamang ni Baby Bia Ang Nakasama sa Kanyang Kaarawan!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Lumikha ng ingay online ang ibinahaging larawan ni Skusta Clee sa kanyang kaarawan kung saan makikitang ang standee na lamang ni Bia ang kanyang kinunan ng selfie.

Sa kanyang Instagram account ibinahagi ni Skusta ang larawang niya kasama ang standee ni Bia. Sa caption isinulat niya na natupad pa rin ang kanyang birthday wish kahit papaano.

"Wish granted! Happy SAUCE day!" caption ni Skusta sa kanyang Instagram post kalakip ang isang cake emoji.

Makikita pa sa isang picture na nakahilig siya sa standee habang nakapikit.

Matatandaang na tila nagparinig si Skusta Clee sa dating kinakasama na si Zeinab Harake na nais niyang makasama ang anak sa kanyang kaarawan. Subalit tila hindi ito pinagbigyan ni Zeinab dahil nagpagawa na lamang siya ng standee ni Bia.

Agad namang umani ng samu't-saring komento ang nasabing post ni Skusta. May mga nagsasabi na tama lamang ang ginawa ni Zeinab na hindi ipahiram ang anak kay Skusta dahil hindi umano ito mabuting ama.

"Dsurve mo yang standy lang kasi dmo nman kayang pahalagahan yung totoo"

"Yan ang napapala ng mga ndi marunong makuntento... Pati anak wala ."

Subalit, ipinagdidiinan naman ng mga tagahanga ng rapper na may karapatan pa rin si Skusta sa anak kahit ano man ang nangyari sa pagitan nina Zeinab at Skusta Clee.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo