Tunay Na Reaksyon Ni Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao Sa Balita Na Hiwalay Na Sila!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Jerome

 

Nitong mga nakaraang araw ay kumalat ang balitang hiwalay na umano ang mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao, nag-ugat ang balitang ito mula sa isang Youtube content, na iginigiit na nangaliwa daw si Jinkee at nabuntis ng isang mayamang negosyante. 

Nagsalita na itong si Jinkee laban sa mga maling issue at hindi makatotohanang balita tungkol sa kanya. Samantala desedido namang gumawa ng legal action itong si Manny Paquiao laban sa misteryosong vlogger na nasa likod ng celebrity news channel ng Youtube, na pinagmulan ng mga personal at malisyusong balita tungkol sa kanyang partner na si Jinkee. 

Samantala kung titingnan naman ang channel ng nasabing vlogger, makikita ang kanyng mga ginawang mga matapang at ilang malisyosong paratang tungkol kay Jinkee. Una na dito ay ang balitang nabuntis daw ng isang mayamang negosyante si Jinkee, na siyang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa asawa niyang si Manny, at sinasabi din ng vlogger na pinalayas nga ni Manny si Jinkee matapos itong mangaliwa. Dagdag pa dito ay ang balitang naghain na ng annulment si Jinkee upang mapawalang bisa daw ang kasal nila ni Manny. 

Ngunit ang mga balitang ito ay  kasinungalingan lamang, dahil sa mga pahayag ng mga kaibigan at mga taong malalapit sa mag-asawa. Gaya nga nila Anabelle Rama at Lolit Solis na iginiit lang kay Jingkee ang taong nagkakalat ng mga maling balita tungkol sa kanya.

Sinabi naman ni Annabelle na kilala niya kung sino-sino ang mga taong naninira kay Jingkee, subalit  hindi niya ito pinangalanan. 

Samantala sa ilang araw na pananahimik ay nagsalita na itong si Jinkee hinggil sa issue. Sa ipinadalang statement ni Jinkee sa Fast Talk with Boy Abunda ay isa-isa nga niyang pinabulaanan ang mga ibinatong mga maling paratang sa kanya ng nasabing vlogger. Dito ay sinabi ni Jinkee na fake news ang mga balita tungkol sa kanya, at ibinahagi din ni Jinkee na pinapaimbistigahan na nila ni Manny kung sino ang pilit na naninira sa kanila. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo