Pagiging B0ld Star, Dahilan ng Hiwalayan nina Sunshine Cruz at Cesar Montano!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Matapang na sinagot ng celebrity mom na si Sunshine Cruz ang maiinit na katanungan ni Boy Abunda hinggil sa kanyang nakaraan sa guesting niya sa programa nitong Fast Talk with Boy Abunda.

Sa nasabing programa, prangkang inamin ni Sunshine na dumating ang punto sa kanyang buhay na pinagsisisihan niya ang paggawa ng mga bold o sexy movies. Ito umano ang isa sa mga dahilan kaya naghiwalay sila noon ng kanyang ex-husband na si Cesar Montano.

Gayunpaman, tila naging isang paraan na rin umano para sa kanya ang kanilang hiwalayan upang siya ay mas magiging malakas at matatag.

“There was a time na ni-regret ko ‘yun especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband but at the end of the day mas naging stronger ako. Mas natuto ako and ang ginawa ko lang Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star o bold star,” saad ni Sunshine.

Napatunayan na rin umano niya sa kanyang sarili na hindi lamang siya hanggang sexy movies dahil kaya rin umano niya singer, actress at higit sa lahat maging mabuting ina sa kanyang mga anak. Ipinagdidiinan din niya na walang perpektong tao at lahat ay makakagawa talaga ng pagkakamali lalo na sa panahong ng kabataan.

“I can also be a singer. I can be an actress and most especially I am a good mom… Lahat naman tayo nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon noong mga bata pa tayo pero ang importante ay kung ano tayo ngayon.”

Sa ngayon ay maayos na ang relasyon ni Sunshine Cruz sa bagong kinakasama ng dating asawa na si Cesar Montano. Sa katunayan ay magkakasama pa sila sa pagsalubong ng bagong taon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo