Sunshine Cruz, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni Macky Mathay!

Thursday, February 2, 2023

/ by Lovely


Sa pagiging guest ni Sunshine Cruz sa programang Fast Talk with Boy Abunda, muling naungkat ang naging hiwalayan nila ng boyfriend na si Macky Mathay.

Ayon kay Sunshine pinili niyang manahimik na lamang dahil may  mga bata umanong involved, mga anak ni Macky na napalapit at napamahal na rin umano sa kanya at ang kanyang anak na napalapit na rin kay Macky.

Isa pa sa mga dahilan ni Sunshine ay dahil hindi naman naiintindihan ng publiko ang kanyang mga pinagdadaanan.

Ipinahayag din ni Sunshine Cruz ang tatlong bagay na mahalaga sa isang relasyon at sinabing kapag nawala ang isa sa tatlo, hindi na uubra ang pagmamahalan.

"Tatlo ang importanteng bagay sa relationship—hindi lang love. Dapat nando'n ang trust, nando'n ang respect," pagpupunto ni Sunshine.

Sinabi rin niya na ang mga chances ay maaring ibinibigay, ngunit ang isang tao ay magigising lamang isang araw at mapagtanto na ang relasyon ay walang patutunguhan pa kahit ilan pang chances ang ibibigay. 

Subalit nang tanungin kung may third party ay hindi nilinaw ni Sunshine ang sagot, ipinahayag na lamang niya na wala siya sa posisyon para pag-usapan ito.



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo