Mga Senador May Binunyag Tungkol Sa Relasyon Nina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Jerome

 

Parang nanumbalik na ang dating pagmamahalan ng mag-asawang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero. Ngayong araw, February 2,2023 ay nagpost si Heart sa kanyang Instagram ng holding hands photo nila ni Senator Chiz Escudero sa labas ng isang Hotel sa Paris. 

Kinagiliwan naman ng ilang mga personalities ang post na ito ni Heart, isa na rito ang broadcaster na si Karen Davila na nagkomento pang, "love wins." 

Kahapon naman February 1, 2023 sa Senate session nagkaroon ng maikli pero masayang biruan ang mga senador sa pagsisimula ng session, naghayag naman ng kanyang kunwari na maiksing manifestation si Senadora Grace Poe, tungkol sa kasamahang si Senator Chiz. 

Ayon naman kay Senator Poe ay ngayon lamang nila nakita ang magandang ngiti ni Senator Escudero sa mahabang panahon at talagang ang pag-ibig daw ay nararapat lang na ipaglaban.

Samantala nagpost din ngayong arawt si Senate President Migz Zubiri ng kanyang pagbati para sa mag-asawang Chiz at Heart, "Syempre naniniwala ako sa second chances lalo na sa pagibig kaya tuwang tuwa kami para sa kaibigan ko na si Chiz Escudero ang napakaganda ng aura niya kahapon sa plenary session. Congrats Kapatid and God bless you and Heart always" ❤️❤️❤️

Matatandaang August noong 2022 kumalat ang balitang may problema ang kanilang relasyon. December 26, 2022 tinuldukan na ni Heart ang mga haka-haka na may problema ang kanilang pagsasama ni Senador Chiz. Sa kanyang post kasi sa Instagram bago siya umuwi ng Pilipinas galing Pariz ay sinabi niya, "PS see you soon , Escudero Chiz.

Magkasama rin daw nagdiwang ng bagong taon ang mag-asawa at nitong nakaraang buwan ay magkasama namang nagbakasyon sa Japan at Pariz ang mag-asawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo