Ogie Diaz Idinetalye Ang Gastos Ni Pokwang Sa Pagpapalamon Kay Lee O'Brian!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Ipinahagi ni Ogie Diaz, sa kanyang pinakabagong showbiz vlog, ang tungkol sa isyu ng kanyang matalik na kaibigan na si Pokwang sa dati nitong partner na si Lee O'Brian. 

Sa kanilang talakayan kasama si 'Mama' Loi Villarama, idinetalye ni Ogie ang impormasyon tungkol sa mga gastusin umano ni Pokwang noong araw. Sa simula ng kanilang talakayan, ibinahagi naman ni Ogie na talagang humingi siya ng permiso kay Pokwang para isapubliko ang nasabing impormasyon. 

"Matagal na 'tong nakatago sa akin so ipinagpaalam ko kay Mareng Pokwang kung pwede ko sabihin dito ngayon," panimula ni Ogie Diaz.

Sa video, ibinunyag ng talent manager na parehong "not in good terms" sina Pokwang at Lee O'Brian.

"As per Mamang Pokie ay lahat siya na ang gumastos. Mula sa kanyang pagbubuntis, mula sa mga vitamins na iniinom niya habang siya ay nagbubuntis kay Malia, sa pagpapa-ospital, sa binyag, sa unang kaarawan ni Malia, sa lahat ng kaarawan na nagdaan kay Malia, siya na lahat," pagbubunyag ni Ogie Diaz.

"Hindi naman din niya sinabi kung kani-kanino na siya lahat ang gumagastos sa lahat. Literal. Kumbaga sa kanya nakatira raw itong si Papang at siya lahat ang gumagastos. Kahit na raw yung mga pagpunta sa US ni Papang, ni Malia para dalawin yung parents ni Papang, siya pa rin daw. Business class pa yun, binawas sa talent fee niya. Ultimo yun mga panggatas ni Malia, school ni Malia, siya rin daw yun. Wala raw ano si Papang doon. Kaya lang, nakuha niyang ipagtanggol dahil tatay pa rin ito ng anak niya," dagdag pang rebelasyon ni Ogie Diaz.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo