Quezon City Hospital, Umapela Sa Kamag-Anak Ng Namat@y Na Si Terry 'Plastic Man' Saldaña!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Naglabas ng panawagan ang Quezon City General Hospital (QCGH) sa mga kamag-anak ng pumanaw na dating Ginebra player na si Terry “Plastic Man” Saldaña nitong February 1, 2023.

Sa kanilang Facebook post nitong Miyerkules ng gabi, umapela ang QCGH-Medical Social Services Department sa pamilya ni Saldaña na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan kaugnay sa pagkamatay ng kanilang kaanak nitong Miyerkules.

Ayon sa QCGH, isinugod sa ospital si Saldaña noong January 25 at na-admit noong January 28. Kabilang sa kanilang ibinahagi ay ang ID ni Terry Saldana upang mas madali umano ito makikilala ng pamilya nito.

“Sa sinumang makakakilala sa pasyente o sa kanyang kapatid (Maria Gina Saldaña), maaari pong makipag-ugnayan sa Quezon City General Hospital-Medical Social Service kay Carlo Teologo, Medical Social Worker o tumawag sa 8863-08-00 local 112/113 o sa numerong 0917 830 8324. Maraming salamat po," inilabas na pahayag ng hospital.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo