Ito Ang Bagong Update Ngayon Ni Kris Aquino (Feb 2,2023), May Advance Birthday Celebration!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Jerome

Nagbahagi ng latest update si Kris Aquino, tungkol sa kanyang kalagayan sa kanyang Instagram account.

Sunod-sunod naman ang pagbabahagi ni Kris sa kanyang social media account tungkol umano sa kaganapan ng kanyang buhay, at sa kanyang kalusugan.

Ngayon-ngayon lamang ay nagbahagi naman itong si Kris ng bagong video at mga larawan sa kanyang social media account, at makikita din dito na sinurpresa siya ng kanyang mga anak at ng kanyang kaibigan na fashion designer. 

Makikita naman sa video na talagang masayang-masaya si Kris sa ginawang surpresa ng kanyang mga anak. Natuwa naman ang karamihan sa mga netizens at mga tagasubaybay ni Kris dahil nakikita nila na mukhang unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng actress host na si Ms. Kris Aquino. 

Dasal naman ng tagahanga at mga taga suporta ni Kris na sana ay tuluyan na nga itong gumaling sa kanyang karamdaman at ng makabalik na siya sa trabaho at ng makita na siya sa telebisyon.

Kamakailan lamang ng ibinahagi ni Kris sa kanyang social media account, na nagtungo sila ng kanyang mga anak sa Disneyland. Dahil ito nga ang kanyang naipangako sa kanyang panganay na anak na si Josh, at makikitang masaya si Kris dahil natupad niya ang kanyang binitiwang pangako sa panganay na anak. 

Samantala marami naman ang bumilib at namangha kay Kris dahil kahit na sa kabila ng kanyang kalagayan ay pinagbigyan niya parin ang kahilingan ng anak na noo'y naipangako niya.

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo