Dating Ginebra Player Terry Saldaña “Plastic Man” Puman@w Na!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely

Pumanaw na ang dating manlalaro ng Ginebra na si Terry Saldana dahil sa kanyang karamdaman sa kidney nitong February 1, 2023 sa Quezon City General Hospital.

Naglaro siya sa Ginebra mula 1983 hanggang 1987 at mula 1997 hanggang 1998. Kung saan tinagurian siyang 'Plastic Man' dahil sa mga paikot niyang hang-time shots.

Noong 1986 at 1997 Commissioner’s Cup, naging champion ang team, kung saan nakasama ni Terry si Robert “Sonny” Jaworski.

Samantala, nakikiramay naman sa pagdadalamhati ang kuponan ng Ginebra, maging ang kanilang coach na si Tim Cone ay inalala pa ang pumanaw na dating manlalaro sa team.

“So sorry to hear about Terry Saldana’s passing. I remember him well in those Ginebra and Swift days. He was so hard to stop around the basket, and I’ll remember him for coming back from his gruesome injury,” pahayag ng coach sa kanyang mismong social media account.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo