Pamilya Ni Pokwang, Naapektuhan Dahil Kay Lee O'Brian!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Isa sa mga napasama sa talakayan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika ang mga isiniwalat ni Pokwang hinggil sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian.

Sa kanilang program, nagsimula si Cristy sa pag-uusap tungkol sa naunang post ni Pokwang kung saan ibinunyag niya na pinalayas niya mismo si Lee O'Brian. Kasunod ng balitang ito, ibinahagi ng beteranong kolumnista kung paano pa naapektuhan ang pamilya ni Pokwang kay Lee noong araw. 

Sa simula ng kanilang diskusyon, ipinunto ni Cristy na magagalit talaga ang isang babae kapag nasaktan sa kabila ng pagbibigay ng lahat sa isang relasyon.

"Mi ultimo ang pamilya po ni Pokwang ay naapektuhan dahil pinagtatakpan niya itong si Lee, na sinasabi niya nagtatrabaho, na hindi naman niya binubuhay. Pero ngayon po ay lumalabas na ang katotohanan," pahayag ni Cristy Fermin.

Dagdag pa ni Cristy Fermin, na labis lamang na nasaktan si Pokwang dahil sa ginawa sa kanya ni Lee O'Brian kaya isiniwalat nitong lahat sa social media ang mga baho ni Lee.

"Masyado pong nasaktan yung babae. Kinalaban po niya ang buong mundo para lamang bumango ang pangalan ng kanyang ka-live in. Ultimo pamilya niya, nakalaban niya sa pagtatakip sa kakulangan ni Lee," paglilinaw ni Cristy Fermin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo