Aktres Na Si Sheena Halili Nakitang Iyak Ng Iyak Sa Hongkong Disneyland

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Jerome


Kasalukuyan naman nagbabakasyon sa Hongkong Disneyland  ang actress na si Sheena Halili kasama nito ang kanyang asawa at anak.

Naantig naman ang mga netizens sa ibinahagi ng kapuso actress na video na kung saan ay makikita na hindi na niya napigilan ang mapaluha habang nanonood ng Moana show sa nasabing theme park. Saad  ni Sheena sa kanyang Instagram post, "Masaya ako na masaya ang anak ko at nakita niya si Moana in person. Si Elsa at Moana ang kilala niya talaga! Natutulala siya at alam kong masayang-masaya siya!

2. Masaya ako dahil nakita ko si Moana in person. Nasa 20’s nako nung naka punta ako ng Disneyland kaya masaya ako na napapa experience namin ni Jeron tong saya na nararamdaman ko para sa anak namin. Alam ko mas namamangha ang baby heart niya!"

Makikita naman sa ipinost ni Kapuso actress na si Sheena Halili sa kanyang Instagram story na talagang masayang-masaya sila ng kanyang pamilya habang namamasyal sa nasabing ttheme park.   


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo