Mccoy De Leon Binura Lahat Ng Litrato Sa Instagram, Pero May Isang Tinirang ‘Alaala’!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Muling ginulat ng aktor na si Mccoy De Leon ang mga netizens matapos bigla na lamang pagbuburahin ang kanyang mga Instagram post kamakailan lamang.

Ang tanging itinira lamang ni McCoy ay ang isang litrato kung saan kasama niya si Elisse Joson at anak na si Felize, na ipinost niya noon pang July 9, 2022. Isang nakatalikod na larawan nila ni Elisse Joson kasama ang kanilang anak na si Baby Felize.

Labis namang nagtataka ngayon ang mga netizens kung bakit bigla na lamang pinagbubura ng celebrity dad ang mga litrato sa kanyang IG page na may 2.3 million followers na ngayon.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahiwatig si Mccoy sa kanyang mga ginawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng anumang pahayag si Mccoy De Leon sa kanyang ginawa.

Matatandaang naging mainit na usapin ang pag-amin ni Mccoy De Leon ng hiwalayan nila ni Elisse Joson. Subalit ilang araw lamang ang nakakalipat namataan naman silang dalawa na magkasama at tila sinusuyo na umano niya ang actress.

Gayunpaman, wala pa ring kumpirmasyon kung totoo nga bang nagkabalikan na ang dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo