Ogie Diaz , Sinabing May Tamad Na Artista sa Dirty Linen!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Tila may napansin ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa isa sa mga artistang kabilang sa cast ng Dirty Linen na ipinapalabas ngayon sa ABS-CBN.

Sa pamamagitan ng isang tweet, ipinahayag ni Ogie ang kanyang saloobin subalit, hindi niya pinangalanan ang artistang tinutukoy niya sa kanyang tweet.

"Mata-sa-mata acting ang uso sa “Dirty Linen.” Merong isang artista doon, tamad umarte. Pag umarte naman, bigay todo, halata ang effort. Hindi naka-in character," tweet ni Ogie.

Agad namang nagkanya-kanyang hula ang ilang mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Ogie Diaz sa kanyang tweet.

May ilan pang netizens na nagsasabi baka babawi naman ang artistang ito at hindi na magiging weak sa mga susunod na episodes.

"Oh walang name drop, pag may faney na nagreact parang inamin nyo na rin na di natural acting ng idol nyo."

"Yung Francine walang expression na kayang ilabas, parang na-Botox, pang-cute na role lang..."

"baka nakuha nya yung acting style kay mama jonas gaffud, yung "know when to peak" chz✌️"

"Mahuhusay talaga sila pero napansin ko po yung kapatid nung Tonette ba yun na lalaki, medyo waley pa, bago yata siya. Yung mahuhusay na artista kahit walang lines ramdam na in character siya. Itong kuya ni tonette medyo waley"

"Baka naman subdued talaga ang character? Or dapat talaga weak? Baka later hahataw.."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo