Joey De Leon Proud na Nag-Flex Ng Mga Larawan Nina Maja Salvador at Maine Mendoza sa Kanyang Cellphone!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Pinasaya ni Joey de Leon ang ilang mga netizens matapos niyang mag-upload ng mga nakakatawang larawan nina Maja Salvador at Maine Mendoza.

Ayon sa kanya, ang dalawang co-hosts niya sa 'Eat Bulaga'ay kumuha ng ilang larawan sa kanyang telepono na naiwan niya. 

Ipinagmamalaki nina Maja at Maine ang kanilang mga nakakalokong pose na labis na kahanga-hanga.

"Ngek! Na-“WOW, MALI!” at Na-“OH NO, IT’S B. O. (Biro Only)!” ako ng M & M! Yan ang nangyayari pag naiwan mo cellphone mo!" caption ni Joey sa kanyang post.

Kamakaila lamang ay pinasaya ni Joey de Leon ang kanyang Instagram followers sa isang throwback photo. Sa larawan, kasama niya ang ilan sa mga dati at kasalukuyang host ng afternoon program na "Eat Bulaga." Nilagyan din niya ito ng caption ng isang quote na nagsasabing, "You can close your eyes to reality but not to memories." 

Higit pa rito, naging viral ang kanyang post at nakatanggap din ng iba't ibang komento mula sa mga netizens. 

Matatandaang nag-viral rin ang kanyang pagkokomento sa pinagdaanang bashing ni Alex Gonzaga hinggil sa cake issue at sinabing naiinggit lamang ang mga nambabatikos rito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo