Ogie Diaz, Nilinaw Na Hindi Siya Galit Kay Willie Revillame!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang Instagram stories ang kanyang sagot sa katanungan kung nagalit nga ba siya sa iniintrigang TV-host ngayon na si Willie Revillame.

Isiniwalat ni Ogie Diaz sa pamamagitan ng kanyang IG stories na hindi naman siya galit sa host na si Willie Revillame.

“Hindi rin ako galit sa kanya. Ang alam ko, siya ang galit habang nagsusumbong siya sa audience niya,” prangkang pahayag ni Ogie Diaz.

Dagdag pa niya, “Pag pinili kong magalit din, kasalanan ko yon sa sarili ko.”

Kamakailan lamang ay inamin ni Ogie Diaz na siya ang tinutukoy ni Willie Revillame sa naging pahayag nito na isang  episode ng Wowowin. Kung saan sinabi ni Willie na may isang reporter na binigyan niya ng 50 thousand subalit nakuha pa siyang siraan sa publiko.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo