Willie Revillame Sinabon Ni Lolit Solis Sa Panunumbat Kila Ogie Diaz at Cristy Fermin

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Jerome

 

Pathetic o kaawa-awa at utak ibon kung tawagin ni Manay Lolit Solis ang mga taong nagpapa-utang pero nanunumbat naman daw kalaunan. Hindi man diritsahang tinukoy ni Manay Lolit kung sino ang pinatatamaan niya ay iisa lang ang itinuturo ng mga netizen basi sa kanilang mga komento na si Willie Revillame daw ang pinatatamaan nito. 

Mainit parin kasi na pinag-uusapan sa social media ang mga naging bangayan sa showbiz ng ilang showbiz personalities tulad nila Ogie Diaz at Cristy Fermin na sinumbatan umano ni Willie Revillame sa kanyang mga na ibigay na tulong sa kanila na nagawa pa daw nilang siraan siya sa publiko. 

Subalit humingi na ng tawad si Willie Revillame kay Cristy Fermin pero nag iwan naman ito ng mainit na diskusyon sa social media. Isa si Manay Lolit Solis sa nagpahayag ng kanyang opinyon ukol sa issue, sakanyang Instagram account ay makikita ang kanyang ipinost na isang makahulogang quotes na mula kay Helen Keller na, "The most pathetic person in the world is someone who has sight, but has no vision." 

Kalakip nito ang isang caption na maraming mga nitizen na nagsasabi na patama daw ito kay Willie Revillame".  

"Pathetic talaga iyon mga tao na nagbibigay pagkatapos manunumbat, Salve. Nakakaawa na wala siyang magawa kundi sumbatan ka sa ibinigay niya sa iyo. Bird brain talaga ang mga taong gumagawa nito. Kaya umiiwas ako sa ganitong klase ng tao. Nakakatawa na hindi pala niya nalilimutan ang mga bagay na ibinigay niya, meaning hindi taos sa loob niya ang pagbibigay. Kasi usually pag binigay mo na, dapat kalimutan mo na dahil tiyak na binigay mo iyon bilang bayad sa isang favor, or binigay mo dahil gusto mo iyon tao na binigyan mo. Dapat taos puso ang pagbibigay hindi isinusumbat. So sad na ganito ang ugali ng isang tao na nagbigay, patunay na hindi galing sa puso ang pagbibigay niya. Publicity lang ang habol niya pag nagbibigay siya. Pathetic talaga. Hindi bongga Salve at Gorgy"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo