Coco Martin Kinilig Nang Mabanggit Ang Pangalan ni Julia Montes!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Naging guest sa morning talk show ng ABS-CBN ang aktor na si Coco Martin upang ipromote ang kanyang bagong teleserye na Batang Quiapo. Kung saan makakasama niya ang aktres na si Lovi Poe.

Sa kanyang guesting muling napag-usapan ang mga nagdaang projects ng aktor partikular na ang teleseryeng pinagbidahan nila ng aktres na si Julia Montes.

"Dito nagsimula ang lahat," pahayag ng aktor nang mapag-usapan nila ang teleseryeng Walang Hanggan kung saan una silang nagkatambal sila ni Julia Montes.

Napansin naman ng ilang manonood na tila kinikilig si Coco habang binabalikan ang unang pagtatambal nila ni Julia.

"Isa ito sa minahal at tumatak sa aking teleserye kasi talagang lahat halos ng mga mahuhusay na artista ay kasama ko rito. Lalong-lalo na si Tita Susan ay dito kami nagkatrabaho, kaya napaka-unforgettable sa akin ito. At saka dito ko unang naging leading lady si Julia," pagbabalik tanaw ni Coco Martin.

Matatandaang matapos ang "Walang Hanggan" ay muli pang nagkatambal sina Coco Martin at Julia Montes sa mga seryeng "Ikaw Lamang" at "Wansapanataym: Yamishita's Treasures."

Ang karakter naman ni Julia bilang si Mara ang tinaguriang huling pag-ibig ni Cardo Dalisay sa pitong-taong serye na "FPJ's Ang Probinsyano."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo