Ina ni Kathryn Bernardo Excited Na para sa Kanilang Pamilya at Kay Kathryn!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Tila hindi na makakapaghintay ang ina ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na si Mommy Min na lumipat sa kanilang ipinapatayong dream house.

Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ni Mommy Min sa kanyang Instagram account ang aerial view ng kanilang dream house.

Makikita sa nasabing video na malapit na malapit ng matapos ang kanilang pinapagawang malaking bahay. Ipinahayag pa ni Mommy Min sa caption ang kanyang excitement, "looking forward."

Kaagad namang binati ni Kathryn ang kanyang ina sa comment section ng Instagram post nito. Maging ang ilang mga followers nila ay nagpahayag din ng kanilang excitement at inaabangan na umano nila ang kabuuan ng malaking bahay na ipinapatayo ng mga Bernardo.

"ang Bongga talaga ng lola mo!!! @bernardomin ikaw na!"

"congratulations tita @bernardomin & @bernardokath konti n lng finishing na"

Matatandaang nito lamang January ay ibinahagi ni Kathryn ang ilang snaps na kuha sa ipinapatayong bahay kalakip ang caption na malapit na malapit na itong matapos.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo