Nadine Lustre, Kaya Swerte Sa Boyfriend Na Si Christophe

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Jerome

 

Nagtungo sa Palawan kamakailan lamang ang magkasintahang Nadine Lustre at Christophe. Dinala ni Christophe ang actress sa kung saan ang mga lugar na lagi niyang pinupuntahan noong hindi pa sila magjowa. Sa mga larawan naman na ibinahagi ng magkasintahan sa kanilang pinuntahan ay makikita ang kagandahan ng lugar.

Virgin island pa nga daw itong matatawag dahil hindi pa napopromote, at base rin sa mga kuha nila lalo na iyong naka-upo sila sa rock formation ay natatanaw ang malawak na patag na kulay luntian.

Samantala excited daw ang boyfriend ni Nadine na ipakita sa kasintahan ang paborito nitong spot sa Palawan dahil alam daw niyang magugustuhan ito ng actress na si Nadine Lustre.  Saad pa niya, "It’s quite the beaten path as tourists tend to only focus on the north side (El Nido) but the south for me is far more interesting and raw. A place from which you can still get this rare feeling today of discovering a new spot on your own. Plus people are extra friendly and proud to show you around their unspoiled paradise."

Dagdag pa ni Christophe, "If you're looking to get lost and find yourself, this is the place."

Talagang napakahilig sa kalikasan ni Christophe at ito daw siguro ang nagustuhan ni Nadine Lustre sa kanya, lalo na at dinadala siya nito sa kung saan ay makakapagrelax siya pagkatapos ng mga trabaho niya sa Manila.  

Dahil dito ay pinuri ng mga tagahanga ni Nadine ang binata dahil sa mga magagandang ginawa niya sa actress. 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo