Lolit Solis Sinabing Dapat ay Magmove On na si Pokwang!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Naglabas ng kanyang saloobin si Lolit Solis hinggil sa pagpapalabas ni Pokwang sa totoong baho ng kanyang dating kinakasama na si Lee O'Brian.

Pinuna ng showbiz reporter si Pokwang sa pagsasalita laban kay Lee sa kanyang emosyonal na panayam sa GMA show na 'Fast Talk with Boy Abunda'. 

Isiwalat pa ni Pokwang ang hindi pagbibigay ni Lee ng financial support sa kanilang anak na si Malia at ginamit lamang umano siya para sa kaginhawahan nito. 

“Salve alam mo ba na ang pangit pag ang dalawang tao na nagkasama at meron pang naging anak nagsasalita against each other ? Iyan ngayon ang nangyayari between Pokwang at ang father ng anak niya. Natawa ako sa tanong ni Boy Abunda na bakit last week magaganda ang sinasabi niya, at ngayon nag iba na ang tono. Bakit ba hindi maari na walang dirty linens na ilabas pag naghiwalay ? Bakit ba hindi puwede mag move on na walang masakit na salita."

Ipinunto pa ni Manay Lolit, na dapat ay magfocus na lamang sina Lee at Pokwang sa pagiging co-parent sa kanilang anak na si Malia. Sinabi pa  niya na sana ay hindi na lamang pa siniraan ni Pokwang si Lee at magmove on na lamang.

"Dahil dapat lang lagi mo maalala ang good times nyo together. Iyon bad times, burahin na lang, para hindi mabigat sa balikat. Ganda pa naman ng naging anak nila ni Pokwang, iyon na lang ang dapat maging alaala."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo