Cristy Fermin, Sinabing Kakambal Ng Inunan Ni Willie Revillame ang Kayabangan!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Kabilang ang TV-host na si Willie Revillame at ang kanyang binitiwang pahayag matapos ang napapabalitang pagkakatigil ng ilang programa ng ALLTV, sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa latest episode ng Cristy Ferminute. 

Ayon kay Cristy Fermin, magsisinungaling siya kung sasabihin niyang walang kayabangan sa kanyang katawan si Willie Revillame.

"Real talk po tayo, magpakatotoo po tayo. Ako mismo, nanay-nanayan niya, alam ko. Mayabang si Willie Revillame, may yabang. Nung ipanganak siya, kakambal ng kanyang inunan ang kayabangan," pagsisisiwalat ni Cristy Fermin.

Subalit, ipinaliwanag naman ni Cristy Fermin na gigamit naman ni Willie ang kanyang kayabangan sa mabuting paraan. Kung saan marami siyang mga natutulungang mamamayan.

"Pero ang pagyayabang ni Willie Revillame, yung pag may nagsisimula siyang proyekto, yung tiwala sa sarili, alam mo yun? Excited siya. Wala pong magsisimula ng anumang paghamon na nalulungkot. Alangan naman sabihin niya, 'Magsisimula na po ang AMBS-2. Ang lulungkot po naming lahat kasi malaking paghamon po ito. Sana marausan po namin at magtagumpay.' Wala pong ganun," pagpapaliwanag ni Manay Cristy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo