Moira Dela Torre, Nag-Ala Tailor Swift Sa Kanyang Concert!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin ngayon sa iba't-ibang entertainment sites ang naging concert ni Moira Dela Torre. Ito'y matapos tila may nakatagong mensahe ang bawat kantang inawit niya sa kanyang concert.

Ayon pa sa ilang mga netizens, tila nagtransform si Moira at naging si Taylor Swift na kilala sa kanyang mga kanta mula sa kanyang mga karanasan. 

Kabilang sa kinanta niya ay ang mga kantang nagpapahiwatig ng panloloko sa kanya ng maraming beses. Hindi napigilan ng netizens na iugnay ang lyrics ng kanta ni Moira sa nangyari sa kanya lalo at nabanggit nito ang aniya'y sinayang niyang limang taon sa taong ito.

Ginulat din ni Moira ang kanyang mga tagahanga dahil sa pagkanta niyang may kasama pang mura at sinabihang makapal ang mukha.

Matatandaan, na ginulat nina Moira Dela Torre at Jayson Hernandez ang publiko ng ipinahayag ang kanilang desisyon na maghiwalay na lamang matapos ang limang taong pagsasama. Inamin naman ni Jayson na ang pagiging unfaithful niya ang dahilan sa paghihiwalay nila.

@gilayromeleyyyyy Moira nagmumura Dela Torre HAHA 😭 #moira #moiradelatorre #concert #eme #fyp #foryou ♬ original sound - Romeleyyy

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo