Nag-React Ang Mga Netizens Matapos Ang Interview Nina David Licauco at Barbie Forteza Sa Fast Talk With Boy Abunda!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang entertainment site ang guesting nina Barbie Forteza at David Licauco sa Fast Talk with Boy Abunda.

Agad umani ng samu't-saring opinyon at komento mula sa mga netizens ang guesting ng tambalang FiLay sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, February 6, 2023.

Sa kabila ng pagiging single ngayon ni David hindi naman nakalagpas sa pagtatanong ni Boy Abunda ang dating relasyon nito.

Samantala, umani naman ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing interview ni Boy  Abunda sa dalawa. Bagama't magkatambal sina Barbie Forteza at David Licauco sa teleserye hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may karelasyon ngayon si Barbie.

Hindi rin nagustuhan ng ilang netizens ang naging pahayag ni Boy Abunda hinggil sa privacy ni David.

"hear it from the man himself and stop talking abt his personal rs na & stop making contents about it... don't reason out like tito boy na just cause public figure siya lalabas talaga yung mga ganun. let's respect his private life it's not that hard, as in. deserve niya yun."

Gayunpaman, may ilang fans naman na natutuwa at kinilig sa panayam na ito sa dalawa. Makikita umano ang closeness nila. May mga nakapansin pang kadalasan ay naka-lean si David kay Barbie Forteza.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo