Moira Dela Torre at Jason Hernandez Idinaan Sa Awitin Ang Nararamdaman Sa Isat-Isa!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Jerome

 

Moira Dela Torre sunod-sunod na mabibigat na rebelasyon ang kanyang binitiwan sa pamamagitan ng awitin, at Jason Hernandez idinaan din sa kanta ang sagot para sa dating asawa. 

Parang wala na ngang planong makipag-ayos pa ang singer na si Moira Dela Torre sa kanyang dating asawa na si Jason Hernandez. Sa katatapos lang daw na concert ni Moira na ginanap sa Araneta Colliseum  ay ini uugnay ng mga netizens ang mga lyrics ng kanta ni Moira sa dahilan ng paghihiwalay nila ng dati nitong asawa. 

Isa naman sa hiniyawan ng husto ng mga manonood ang kantang pinamagatang Red Flag, at may kinanta din siyang tagalog na mas ikinagulat ng manonood dahil sa pagmumura nito, nakakabingi nga daw ang hiyawan habang kinakanta ito ni Moira.

Nagtrending naman ang mga awiting kinanta ni Moira sa concert dahil sa mga palaban at may laman ang bawat awiting kanyang kinakanta. Ayon naman sa mga netizens ay tila pagbubunyag ito ni Moira sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang dating asawa na si Jason Hernandez. 

Sabi naman ng ilan sa netizens at kaya nga daw hirap patawarin ni Moira si Jason ay dahil hindi lang daw isang beses ito nagloko kundi maraming beses na pala. 

Kung saan ay nag trending ang mga awitin ni Moira ay saka naman ang paglabas ng video ni Jason kung saan maririnig ang pag-awit na para bang ito ang sagot naman sa mga kinanta ni Moira.

Makahulugan din ang kinanta ni Jason sa kanyang video na ayon sa mga netizens ay tila idinaan din daw sa kanta ni Jason ang kanyang nararamdaman.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo