Bea Alonzo Itinigil Na Ang Paghahanap

Wednesday, February 1, 2023

/ by Jerome

 

Bea Alonzo meron palang magandang dahilang kung bakit itinigil na niya ang paghahanag sa kanyang biological Father.

Ayon naman kay Bea ay hindi na niya kailangang hanapin pa ang kanyang ama, dahil para na rin sa ikakatahimik ng kanyang ina at ng kanyang pamilya. Ika nga ni Bea ay mula nang isilang siya sa mundong ito ay ang kanyang ina na ang mag isang nagpalaki at nag-alaga sa kanya, dahil hindi na nito nakita ang kanyang tunay na ama.

Sa guesting naman ni Bea nitong nagdaang  Huwebes January 26 sa Fast Talk with Boy Abunda. Naitanong naman ni tito Boy ang tungkol sa naging pahayag ni Bea noon sa Kapuso mo Jessica Soho.

Sabi ng kapuso actress na itinigil na niya ang paghahanap sa kanyang tunay na ama, ika nga niya ay 4 years old palamang daw siya noong maghiwalay ang kanyang mga magulang. Kaya daw ay wala na siyang natatandaan kung anu ang hitsura nito.

Tinanong pa sa kanya ni Boy Abunda kung saan nanggaling ang pag-iisip niya na hindi na niya kailangan pang malaman ang katauhan ng kanyang biological father. 

Sagot naman ni Bea, "Back on 2010 noong nakilala ni Angelika yong tatay niya, ay parang na inggit ako sa kanya, syempre Angelika and I are good friends ako yong una niyang pinagsabihan dahil kasi alam niya na makakarelate ako sa experience niya. I tried looking my father tapos may mga pinaghinalaan, pero hindi pala yun yong totoo."

Gumawa naman din si Bea ng paraan para umamin sa kanya ang nanay nito, nilasing niya ito para lang makapag salita ito ng totoo,pero nagulat daw umano siya sa naging resulta ng ginawa niya kasi umiyak ang nanay niya kaya nakaramdam siya ng pagka guilty, at dahil rito na realize naman ng actress na hindi na niya kailangan pa na matunton ang kinaroroonan ng ama, dahil sapat na daw sa kanya na kasama niya ang kanyang pinakamamahal na ina.




No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo