Kim Chiu, Mas May K at Powers Sa Hollywood Kesa Kay Liza Soberano!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


May mga lumalabas ngayong bulung-bulungan sa ilang mga entertainment sites hinggil sa pagsabak ni Liza Soberano sa Hollywood.

Matatandaang hindi na nagrenew ng kontrata si Liza Soberano sa ABS-CBN at sumama kay James Reid sa Amerika upang ipursue umano ang kanyang Hollywood dream. Subalit, ayon sa ilang mga marites, tila mahina at mabagal ang progress ng career ni Liza Soberano sa Hollywood.

Ayon sa ilang mga netizens, tila nahihirapan si Liza Soberano sa pagpasok sa Hollywood dahil hindi nito malaman ang focus. Sa kabila ng pagkakasama ni Liza sa isang Hollywood movie tila hindi naman umano umingay ang pangalan ng Pinay actress.

Hindi din malaman ng ilang mga netizens kung ano ba umano ang focus nito dahil nakikita pa itong kasama ng ilang mga K-pop idols gayung ang naunang balak naman umano nito ay i-conquer ang Hollywood.

May mga nagsasabi pang tila hindi nag-matter ang ganda ni Liza Soberano sa mga actresses sa Hollywood at nagmumukha lamang itong ordinaryo.

May mga nagkumpara pa kay Kim Chiu at Liza, kung saan sinasabi nilang mas may K at future pa si Kim Chiu kaysa kay Liza sa Hollywood. Dahil mas bet umano ng mga ito dahil ang Asian chinita look.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo