Sinayawan Lang Ni Vilma Santos Ng Ting Ting Tang Ang Mga Bashers Ni Luis Manzano!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Tila hindi kinakabahan si Vilma Santos sa isyung pagkakadawit kay Luis Manzano sa Flex Fuel scam.

Tila masayang sinayawan lamang ni Vilma Santos ng Ting Ting Tang ang lahat ng mga basher nito. Makikita sa ibinahaging video ni Vilma Santos sa kanyang social media account tila hindi naman ito affected at masaya pang nakikipagbiruan sa kanyang mga dating kasamahan.

"Enjoyable night with my friends... 

Bobot, Pip and Boyet. 

Thank you, Allan Diones!" caption ni Vilma sa kanyang social media post.

Labis naman na nasisiyahan ang kanyang mga tagahanga dahil makikitang nag-eenjoy ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa kabila ng isyung kinakaharap ng anak nitong si Luis Manzano.

Matatandaang naidawit ang pangalan ni Luis Manzano sa Flex Fluel scam matapos magreklamo ng ilang mga investors na hindi na umano nila nakuha ang perang ininvest sa nasabing negosyo. Agad namang nilinaw ni Luis Manzano na matagal na siyang walang kinalaman sa management ng Flex Fuel.

Isiniwalat pa niyang maging ang inutang sa kanya na 66 million ay hindi rin niya nabawi mula sa kanyang kaibigan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo