Gary V. Grandfather Moments! Dumating Na Ang Kauna-Unahang Apong Lalaki!

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Makikita ang excitement ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa paglabas ng kanyang kauna-unahang apo na lalaki.

Siya si Baby Luciano Mikael, ang ikalawang anak ng concerts and events director na si Paolo Valenciano at misis na si Samantha Godinez.

Agad itong ibinandera ng singer sa kanyang Instagram account at ipinahayag ang kanyang kasiyahan sa pagkakaroon ng kauna-unahang apong lalaki.

"Well hello there!” His name is really Luch which is short for Luciano. But I think I’ll call him Luc as in Luke. Your sister Leia awaits at home," pagpapakilala ni Gary Valenciano sa kanilang new born angel.

"I can’t wait to carry you and tell you many stories about the greatest force in the universe…the love of God!!! I know this force will be strong in you. Pappie is here for you just like I’m here for your sister Leia.

I thank the Lord for you. I love you Luc. “I am your grandfather!”," dagdag pang caption ni Gary V. sa kanyang Instagram post.

Agad namang nagbigay ng kani-kanilang mensahe ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan ni Gary V. sa industriya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo