Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome

 

Kapuso young actress na si Jillian Ward ay may hiling na gustong-gusto niya sanang matupad, yon ay ang mabigyan ng pagkakataon na gumanap bilang isang super hero.


Dahil bata palang daw siya ay subrang amaze na siya sa mga superhero, kaya naman daw nasa bucketlist daw niya ang mga gawa na Super Hero project. 


Noong minsan nga daw sa isang interview ay natanong si Jillian kung anu-ano pa daw ang kanyang dream roles bilang actress, at deritsahan nga niyang isinagot na nais niyang gumanap ng isang superhero.


Saad niya, "Sa totoo lang po gusto ko po'ng magplay as superhero, kasi mahilig din po ako sa mga anime. So kapag nanonood po ako feeling ko nandon ako sa anime, gusto ko pong maka role po talaga ng superhero."


Dagdag pa niya, "Kapag napapanood ko po sila Wonder Woman parang na iimpower po ako, yung pagkababae ko gusto ko pong ma experience ko po yung ganun, yung makapag bigay ng ganoong impact sa viewers." 


"Kung ano man pong superhero po yan kahit nakakatawang superhero gusto ko pong gawin, astig po ang fight scenes."


Patunay nga na gustong gusto talaga ng actress nang ganoon dahil makikita nga sa kanyang Instagram account na marami siyang post na larawan na siya ay naka costume ng Wonder Woman at Cat Woman. 






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo