Ava Mendez May Pa Cryptic Post Matapos ang 'Hiwalayan' nila ni Skusta Clee!

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng usap-usapan online ang isang makahulugang post ng Viva actress na si Ava Mendez sa kanyang Facebook account matapos ang pag-unfollow nila ni Skusta Clee sa isa't-isa.


Kamakailan lamang ay napansin ng ilang mga netizens na tila hindi na namamataang nagpopost ng larawan ang dalawa sa kani-kanilang social media accounts.


Napansin rin ng ilang mga Marites na hindi na naka-follow ang dalawa sa isa't-isa. Maging ang kanilang mga larawan na magkasama ay burado na rin.


Samantala sa gitna ng intrigang hiwalayan nila ni Skusta Clee nagbahagi si Ava Mendez ng makahulugang post patungkol sa aniya ay taong mas marami ang red flags kesa sa kanya. 


Bagama't wala itong binanggit na pangalan tila alam na ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Ava na taong puno ng red flags.


"mas obvious naman sa ating dalawa mas marami kang 🚩🚩🚩"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo