Kalagayan ni Jan Manual Ngayon Sa Ospital, Matapos ang Aksidente!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Muling nagbigay ng update ang sister-in-law ng actor-comedian na si Jan Manual hinggil sa nangyaring aksidente sa kanila ng kanyang asawa na si Jamey Santiago.

Ayon dito, dumaan sa minor surgery ang aktor at ngayon ay stable na. Siya ay neurologically cleared at hindi na niya kailangang sumailalim sa isang major surgery.

Ipinahayag pa niya na kailangan siyang ilipat sa Intentive Care Unit (ICU) sa mga unang oras ngunit dininig ng Panginoon ang kanilang mga panalangin at may himala at hindi na nito kailangan pang ipasok sa ICU.

Sinabi pa nito na ang prayer points sa ngayon ay hindi magha-hallucinate si Jan Manual para masiguradong okay ang brain nito at hindi na lumaki ang blood clot. Gayundin, ang pamilya ay humihingi ng panalangin para sa kanyang fractured eyes at kaliwang bahagi ng kanyang mukha upang natural na gumaling kaya hindi na kailangan ng operasyon pati na rin ang isang positibong resulta mula sa kanyang ENT dahil ang kanyang kaliwang mata at kanang tainga ay namamaga.

Ang sister-in-law ni Jan ay humingi din ng panalangin para sa lakas para sa kanyang asawang si Jamey, na hindi maaaring iwan ang kanilang anak ngayon dahil siya ay nagpapabreastfeed. Nagsisimula na rin siyang makaranas ng pananakit ng katawan na natamo niya mula sa isang masamang paglapag mula sa pagtalon sa sasakyan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo