Star Struck Season 4 Alumnus Jan Manual Na-aksidente Kailangan Operahan!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Naaksidente ang dating “Bubble Gang” star at alumnus din ng StarStruck 4 na si Jan Manual kasama ang kanyang asawa na si Jamey Santiago.

Isang nakakalungkot na balita ang ibinahagi ng kapatid ni Jamey Santiago, asawa ni Jan Manual sa kanyang Facebook post kung saan ibinahagi niya na naaksidente ang Star Struck Season 4 Alumnus na si Jan Manual kasama ang kanyang asawa na si Jamey Santiago.

Ayon pa sa kapatid ni Jamey na kailangang sumailalim sa isang operasyon ang actor-comedian "dahil sa brain fracture, trauma at bleeding". Humingi sila ng panalangin para sa kanyang paggaling at buksan ang pinto para sa mga gustong magbigay ng tulong pinansyal sa kanila.

Isa sa pinakakilalang proyektong ginawa ni Jan sa showbiz ay ang pagiging isa sa mainstay sa gag show na Bubble Gang. Naging mainstay siya ng palabas hanggang 2018.

Bukod sa pagiging aktor at komedyante, si Jan Manual ay isa ring Taekwondo at boxing coach – kilala siya sa larangan bilang “Coach Jan”. Noong 2018, opisyal niyang ikinasal si Jamey Santiago.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo