Joshua Garcia, Winasak Mga Puso Sa Kanyang Pag Amin

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Jerome

 

Marami namang puso ang tila na broken, dahil sa Instagram story ng actor na si Joshua Garcia. Ito ay dahil sa isang post niya na mayroon silang couple bracelet ni Bella.

Bagama't hindi pa man umaamin ang dalawa sa kanilang relasyon ay tila pag-amin na rin ito nila kung pagbabasihan ang naging post ni Joshua na nirepost din ni Bella sa kanyang Instagram story. 

Mukhang pa birthday greeting nga ito ni Joshua para kay Bella, dahil naging caption niya ay "Happy Birthday. Bellai." at sa ginamit naman na background music ng actor ay ang Those eyes, na may makabuluhang meaning ang mga lyrics nito na bagay na bagay sa magkasintahan.

Parang namimis agad ng actor ang dalaga lalo na at nasabay pa ang birthday ng dalaga sa pag alis ng actor papuntang Switzerland para sa kanyang bagong pilekula. Dahil nga dito ay marami na naman daw puso ang nawasak sa pag-aasam sa binata. 





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo