Ogie Diaz, Iniiwan Na Siya Ng Kanyang Mga Talents?

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Sinagot na ng talent manager at Showbiz insider na si Ogie Diaz ang mga pahayag ni Willie Revillame hinggil sa pang-iiwan umano ng kanyang mga talents.

Tinalakay nina Ogie Diaz at mga kasamahan niya sa kanyang Showbiz Update Channel ang tungkol sa umano'y mga patutsada sa kanya ni Willie Revillame na iniwan siya ng kanyang mga talents partikular na kina Vice Ganda at Liza Soberano. 

Nilinaw naman ni Ogie Diaz na naging maayos naman ang kanilang paghihiwalay ng kanyang mga talents na piniling sumubok sa ibang manager at agency.

"Tapos sinasabi pa ni Willie na o 'yung mga talents mo bakit ka iniiwan? Hindi po ako iniiwan. Maayos po kaming naghiwalay Willie. Si Vice Ganda ay almost five years kami, At hanggang ngayon, magkaibigan kami ni Vice. Kasi pinili namin 'yung nauna naming relasyon na magkaibigan kami kesa maging manager-talent ang aming relasyon," paglilinaw ni Ogie Diaz.

Dagdag na paglilinaw ni Ogie Diaz, "Pangalawa, si Liza Soberano. Natapos na ang kontrata sa akin. 11 years lang naman kaming nagsama ni Liza bilang manager-talent. Ngayon kung tinatanong mo, bakit ako iniiwan. Hindi ako iniiwan, pareho po naming desisyon, mutual 'yung desisyon." 

Agad namang bumwelta si Ogie Diaz at tinanong si Willie Revillame kung bakit hindi din nagtatagal ang mga co-host ni Willie sa kanyang show na Wowowin.

"E kung ganun din naman ang usapan, tatanong ko na rin kay Willie, bakit hindi nagtatagal mga co-host mo? Hindi umaabot ng four and a half years? hindi umaabot ng eleven years. Mas matagal 'yung akin kesa sa'yo. E yung 'sa'yo 'di ba? yung mga co-host mong bading., 'yung mga standup comedians, bakit hindi nagtatagal?Sasabihin ni Willie, baka may deperensya siguro 'yung mga bakla," pambubuking ni Ogie Diaz.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo