Whamos Cruz, Kinuha Sukat Ng Mama Niya Para Sa Kabaong Prank!

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging biktima ng kalokohan ni Whamos Cruz ang kanyang ina sa pamamagitan ng pagkuha ng sukat nito na kinakailangan umano para sa kabaong na bibilhin nito para sa ina.

Agad namang nagsuspetsya ang ina na isa na naman itong prank ng anak subalit nakisabay pa rin siya rito.

“Kasi nga, tumawag Ma yung St. Peter kasi pinapipili ka kung ano ang gusto mo dyan,”  sabay pakita nito mga mapagpipiliang kabaong na makikita sa cellphone nito.

“Eto kung gusto ninyo colored. Pwede rin clear para kita agad ang nasa loob,” pahayag ni Whamos Cruz.

Base sa reaksyon ng ina ni Whamos tila naiisip nito kung nasa maayos pa ba ang katinuan ng anak.

“Ikaw ba anak ay nasa tamang pag-iisip?” tanong ng ina ni Whamos na tila ba hindi alam kung matino pa ba ang anak.

Sa kabila ng pag-iisip na ito, sumagot pa rin ang ina ni Whamos at pinili ang "clear na kabaong," na kaagad na isinulat ng vlogger. Gayunpaman, nang makita ng ina na kumuha na si Whamos ng tape measure para kunin ang kanyang measurements, bigla niyang tinanong ang kanyang anak kung bakit ito kukuha ng ganoon gayung buhay pa naman siya.

“Eh Ma, may ginagawa sila eh, ano ka ba? Alangan naman…” sagot naman ni Whamos.

“Walanghiya eh buhay pa ako eh, kelangan ba talagang sukatan?” pahayag naman ng vlogger.

Narito ang buong video ng pagprank ni Whamos sa ina.

https://fb.watch/iFMd557_hK/

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo