Ngayon Lang! (Real Video) Iza Calzado Nanganak Na Sa Panganay Nila Ni Ben Wintle.

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Jerome

 

Masayang ibinahagi ni Ben Wintle sa kanyang social media account na nanganak na ang kanyang asawang si Iza Calzado at lumabas na ang kanyang panganay na anak.

Sa Instagram account naman ay ipinasilip niya ang mga kaganapan sa Hospital, saad naman ni Ben "Nandito na kami sa delevery room mag li-labor na si Iza, sure na sure ng lalabas ang baby namin." 

Makikita naman sa post na umiiyak habang nakahiga sa Hospital bed ang kapamilya actress at halatang-halata na hirap sa panganganak. Maya-maya pa ay nanganak na nga ang actress, labis naman ang saya at excitement ng ibalita sa kanya na lumabas na si baby. 

Nagpasalamat naman si Ben sa St. Lukes Hospital at binati ang asawa at sarili. "Magkikita na kami ni baby, unang-una kung pasasalamatan si lord at sa mga nagdasal at sumuporta para sa asawa ko. Maraming salamat po." 

Ang sumunod naman na photo ay ang makikitang karga-karga na ni Ben ang baby, tinuturuan naman daw si Ben ng doctor kung papano kargahin ang baby na talaga namang napaka puti daw. 

Hindi naman sigurado kung sino ang kamukha ni baby dahil wala pa namang  Face reveal sila Iza at Ben Wintle. Pero maririnig naman ang doctor na puring-puri sa ilong ni baby na nakuha daw mula kay Ben Wintle. 

Samantala nagpa-abot naman ng pagbati ang mga kaibigan nila sa showbiz na sila Alex Gonzaga, Mariel Padilla, Lara Kigaman, Anne Curtis, Angeline Quinto, Jodi Sta. Maria at iba pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo