Jinkee Pacquiao, Nagsalita na sa Totoong Relasyon Nila ngayong ni Manny Pacquiao!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Sa gitna ng mainit na usapin ngayon sa social media hinggil sa umano'y hiwalayan ng mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao nagbahagi sa kanyang Instagram account si Jinkee ng mga larawang magbibigay paliwanag sa lahat.

Labis na ikinatuwa ng mga tagasuporta at tagasunod online ng mag-asawa ang pagbabahagi ni Jinkee ng mga magagandang larawan na kuha niya kasama ang kanyang asawang si Manny Pacquiao. 

Sa isang Instagram post nitong, February 1, hindi lang nag-post ng kanilang sweet photos si Jinkee kundi nagsulat pa ng sweet message para sa kanyang mister.

Ayon sa caption ni Jinkee ang maituturing niya home ay sa piling mismo ng kanyang minamahal na si Manny Pacquiao.

"Home is wherever i'm with you. By your side is where I want to be. I love you, babe!" sweet caption ni Jinkee sa kanilang photos ni Manny.

Agad naman itong umani ng mga papuri at kilig vibes mula sa mga netizens.

Matatandaang marami ang nangamba at nagulat ng lumabas ang samu't-saring mga intriga hinggil sa hiwalayan ng mag-asawa kung saan sinasabing may kalaguyo umano itong si Jinkee at napapabalita pang nalugi na umano si Manny Pacquiao.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo