Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ,Panalo

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Jerome

 

Inaabangan naman ngayon ng mga netizens kung ano ang magiging komento o reaction ni Julie Ann San Jose ukol sa nasabing rebelasyon ni Alden Richards na iniwanan siya nito dahil sa mas pinili ng actor ang showbiz career nito, kaya hindi sila ang nagkatuloyan.

Subalit parang dedma na ang actress at hindi na daw kailangan magre-act dahil nakapag-usap na naman daw sila ayon kay Alden at bilang respeto na din para sa kasalukuyang karelasyon na si Rayver Cruz.

Samantala ay masayang-masaya naman ngayon ang magkasintahang Julie Anne  at Rayver Cruz, dahil sa sila ay nanalo bilang best talent search program host, at ang programa naman nilang The Clash bilang talent search best program sa katatapos pa lamang na 35th PNPC Star Award for television. 

Mahigit naman sa dalawang taon bago nagka developan ang dalawa kaya malinis at walang tinapakang tao ang dalawa, kaya naman puro positibo ang kanilang mga natatanggap na komento mula sa netizens para sa kanilang relasyon. Deserve naman daw ng dalawa ang panalo dahil nakaka-aliw daw silang panoorin.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo