Pokwang, Papahiran Na Ang Luha, Babangon Dahil Isang Ina!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang sunod-sunod na rebelasyon ng komedyanteng si Pokwang patungkol sa totoong ugali ng kanyang dating partner na si Lee O'Brian.

Matapos ang ilang buwan na pananahimik ni Pokwang tila nagkaroon na ito ng lakas na loob na ipahayag sa buong social media ang tinatagong baho ni Lee.

Kamakailan lamang, ipinahayag ni Pokwang sa kanyang Instagram post na handa na siyang bumangon muli dahil isa siyang ina.

Tila ipinapakita pa niya na mas fierce at mas malakas na siya ngayon sa kanyang ibinahaging larawan.

Larawan iyon kung saan tinakpan niya ang isang mata niya, ngunit ang tingin na ibinigay niya ay malinaw na para sa isang determinadong babae.

"Bangon nanay ka at marami ka pang labada….. labada para sa ikauunlad ng pamilya #laban," pahayag ni Pokwang sa caption ng nasabing larawan.

Nauna na ring nag-post ang komedyante sa kanyang IG Stories at ibinahagi na pupunta sila ni Malia sa isang abogado. Subalit, hindi na siya nagbigay pa ng karagdagang mga detalye kung ano ang dahilan sa likod ng kanilang pagpunta.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo