Willie Revillame, May Pa-Victim Effect? Hindi Daw Siya Mayabang?

Linggo, Pebrero 5, 2023

/ by Lovely


Agad na nagbigay ng paliwanag ang TV host na si Willie Revillame sa mga natatawa at tila natutuwa pa sa pagkakahinto ng kanilang programa sa AMBS.

Lumabas ang mga balitang pansamantalang mamamaalam ang tatlong programa ng AMBS AllTV kabilang na ang kanyang programang Wowowin.

Ipinagdidiinan ni Willie Revillame na walang nakakatuwa sa pamamaalam ng kanilang programa dahil nakakatulong umano ito sa gobyerno at lalong-lalo na sa mga nangangailangang mamamayan. Ipinahayag pa ni Willie na ang lahat ng perang pinamimigay ng kanilang programa ay malaking tulong na sa mga mahihirap na nangangailangan ng mga ito.

May panawagan din siya sa lahat ng mga netizens na sana ay ipagdasal ang muling pagbabalik ng kanilang programa alang-alang sa lahat ng matutulungan pa nito.

Iginiit din niya na hindi siya nagmamayabang at hindi pagyayabang ang ginagawa ng kanilang programa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo