Ebidensya Ng Pagpaparetoke Ni Kitty Duterte Usap-Usapan Sa SocMed!

Wednesday, February 1, 2023

/ by Lovely

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang kapansin-pansing physical transformation ng anak ni Dating Pangulo Rodrigo Duterte at Cielito “Honeylet” AvanceƱa na si Kitty Duterte.

Nasubaybayan na ng publiko ang pagdadalaga ni Kitty Duterte simula nang manumpa bilang pangulo ng bansa ang ama nito noong 2016. Marami na ang pumupuri noon sa taglay na kagandahan ni Kitty, na nakuha raw niya sa kaniyang inang si Honeylet. Sa katunayan ay kinuha na ring product endorser ng isang skin care brand ang dalagita.

Samantala, usap-usapan ngayon ang magandang transformation ni Kitty. Kung saan pinag-uusapan na tila nagparetoke umano ito.

“Grabe parang nagpalit ng ulo si Kitty Duterte ganda ng gawa ng nose niya,” saad ng nag-post tungkol kay Kitty.

Marami kasi ang nakapansin sa umano'y malaking pagbabago sa ilong ng dalaga. Sa ngayon ay tinatawag pa si Kitty na 'from kitten to pussycat'. May ilang pang nagtatanong kung sino ang doktor nito at kung anong klinika.



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo