Ito Pala Ang Pinag-Ugatan Ng Kontrobersya Sa Pagitan Nina Nadine Lustre at Alex Gonzaga

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Jerome


Hindi naman sinasadyang nadamay ang pangalan ni Nadine Lustre , sa issue nina Alex Gonzaga at Dina Bonnevie, na nangyari noong taong 2011.

Dahil sa kuwento umano ng beteranong actress sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda, nitong martes ng hapon, January 31, 2023. 

Si Nadine ang napagbalingan ng netizen matapos ang rebelasyon ni Dina, na nagalit daw itong si Alex kay Nadine sa set ng primetime series noon ng TV5 at VIVA Television na  PS, I Love You. 

"And then nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine. Eksens daw niya iyon," mga sinabi ni Dina sa Fast Talk host na si Boy Abunda.

Hindi naman matanggap ng mga fans ni Nadine na ito ang napagbuntunan ng galit ni Alex, sa dahilan na mas nauunang umiyak si Nadine sa kanilang mga eksena. Magkapatid ang mga character ng dalawa at si Dina naman ang gumaganap na nanay nila, si Alex ang gumanap na nakatatanda at si Nadine naman ang bunso.

Matapos naman ang rebelasyon ni Dina sa Fast Talk with Boy Abunda, ay masasakit naman na salita ang mga natatanggap ni Alex mula sa mga tagahanga at taga suporta ni Nadine. Dahil sila daw ay lubos na nasaktan para sa kanilang idolo na si Nadine Lustre. 

"Bakit parang kasalanan pa ni Nadine Lustre na mas magaling siyang umiyak kaysa kay Alex Gonzaga sa mga eksena nila? Iurge y' all to re-air P.S. I Love You, para mapanood natin kung versatile ngaba si Alex Gonzaga para mag-inarte sa set ng palabas na yan? Also I want to see Nadine's humble beginnings before her massive success. Si Nadine marami ng best actress award na nasungkit. The audacity to get mad of Nadine, the nerve of this Alex Gonzaga girl to get mad of Nadine."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo