Kris Aquino, Kaya Labis Ang Kasiyahan

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Jerome

 

Labis naman ang kasiyahan ng Queen of all media na si Kris Aquino, dahil sa kabila ng kanyang kalagayan ay kinaya niya paring tuparin ang kanyang pangako sa kanyang panganay na anak na si Josh. 

Samantala nagpost naman si Kris sa kanyang Instagrm account ng bagong update noong sabado January 28, na kung saan binisita nila ang tinaguriang happiest place on Earth, ito ang Disney Land. 

Saad naman ni Kris, "Promise furfilled, because I give kuya Josh my word." 

Noon namang January 25, ay nag post si Kris sa kanyang Instagram account, ng 90th birthday ng kanyang inang si dating pangulong si Corazon Aquino, na sinabi niya dito na pupunta sila sa Disney Land.

Kahit pa sa hirap ng kalagayan o sa kanyang nararamdamang sakit ay pinilit parin niyang sumama sa dalawa at nagdasal sa panginoon na sana daw ay kayanin niyang makasama sa dalawa, kahit maka ilang rides lang daw siya para mabigyan niya ng happy memories ang kanyang mga anak. 

Dahil naman sa post na ito ni Kris ay marami sa mga tagasuporta niya at kanyang mga tagahanga ang labis ang  tuwa at kasiyahan dahil nakikita nila na mukhang nagiging mabuti na ang kalagayan ngayon ni Kris, dahil bukod sa wala itong suot na face mask ay nakakagala narin daw ito.

Umani naman ng magagandang komento ang post ni Kris, at panay mabubuting mensahe at dasal ang gustong ipaabot sa kanya.  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo