Cristy Fermin Na Ginagamit Lamang si Direktor Kay Darryl Yap! Patuloy Pa Ring Nagbubulag-bulagan!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


Ibinunyag ni Cristy Fermin, sa isang episode ng Cristy Ferminute, kung ano ang komento ng isang hindi pinangalanang direktor sa kanyang programa habang nasa kalagitnaan siya ng isang panayam sa multi-awarded na direktor na si Joel Lamangan.


Si Direk Joel Lamangan ang naging guest ni Manay Cristy sa partikular na episode ng kanyang show kung saan hiningi niya ang reaksyon nito sa mga maalab na pahayag ni direk Darryl Yap laban rito. 


Habang ini-interview niya si direk Joel, napansin ni Manay Cristy na maraming netizens at celebrities ang nagsusulat ng kanilang komento hinggil sa lamat sa pagitan ng multi-awarded director at Darry Yap.


Ipinahayag din ni Manay Cristy Fermin na may mga direktor rin na nanonood ng nang nasabing panayam niya kay Joel Lamangan.


Subalit, hindi niya umano babasahin ang mga komento ng ito dahil hindi naman sila kumakampi sa anumang sides.


Gayunpaman, hindi napigil ni Manay Cristy, naisiwalat niya ang komento mula sa isang direktor.


"Bibigyan ko na po kayo ng isa, isang kilalang-kilalang direktor. Tama ang sinabi ni direk Joel." 


"Ginagamit si Darryl Yap. Hindi pa siya nagigising sa ngayon. Nabubulag pa siya. Isang araw, magsisisi ang batang yan,” saad ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo