Couple Na Nandaya sa Pinoy Henyo Nagpaliwanag Kay Jessica Soho!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


 Tinuldukan na ng couple na sina Lyka Alburo at  Ryan OraƱo ang isyu ng pandaraya nila sa sikat na gameshow ng Eat Bulaga na Pinoy Henyo.


Nagpaunlak ng panayam ang dalawa sa programa ni Jessica Soho at nagbigay na ng pahayag hinggil sa ginawa nilang pandaraya sa Pinoy Henyo noong February 14.


Ayon sa kanila, wala talaga umano silang intensyon na mandaya at nadala lamang sila habang naglalaro.


Saad ni Lyka, “Hindi ko po intention na sabihin ‘yung word na ‘Stomach.’ ‘Yung dun po sa nangyari is dala po ng bugso ng damdamin. Lahat naman po tayo nagkakamali, di ba? Dala lang po ng emosyon—ng intense sa sarili kaya ganun po yung nangyari.”


“Pasensiya na po kung ganun po ‘yung way ng paglalaro namin. Pasensiya na po kung sa tingin ninyo may pandadayang maganap pero hindi ko po intensyon na mandaya,” pagpupunto pa ni Lyka na wala siyang intensyong mandaya.


Samantala, ikinabigla umano ni Ryan na nabigkas pala umano niya nang hindi sinasadya ang salitang Abra dahil hindi umano niya ito namalayan.


“Hindi po ako aware na nasasabi ko po ‘yung word na ‘yun kasi nate-tense po ako na sana masabi niya ‘yung pinapahula po sa kaniya. Nu’ng nakita ko po ‘yung video na ‘yun nagulat po ako kasi nasabi ko po pala unintentionally po. Kaya hinihingi po ulit namin ng pasensya,” paliwanag naman ni Ryan.


Humihingi rin sila ng paumanhin sa mga host ng show ng Eat Bulaga at sinabing hinihintay lamang umano nila na hingin ng mga ito ang kanilang panig.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo