Ang Star Studded 18th Birthday Ng Nag-iisang Jillian Ward!

Lunes, Pebrero 27, 2023

/ by Lovely


 Kitang-kita na ngayon ang napakagandang tranformation ng Kapuso actress na si Jillian Ward mula sa isang very cute na bulilit into a very stunning and beautiful young lady.


Matatandaan na unang nakita si Jillian sa telebisyon noong limang taong gulang pa lamang siya sa teleseries na "Sine Novela: Trudis Liit."


Mula noon ay naging sunod-sunod na ang mga proyekto ni Jillian Ward at napabilang din siya sa ilang mga shows.


Noong 2019, nabigyan si Jillian nang kanyang unang big role sa hit teleseries na Prima Donna kasama sina Sofia Pablo at Althea Ablan.


Kasalukuyang bumibida si Jillian Ward bilang  Dr. Analyn sa hit Afternoon Prime series na Abot Kamay Ang Pangarap.


Noong February 25, ay ipinadiwang naman ni Jillian ang kanyang 18th birthday. Kung saan dinaluhan ito ng maraming sikat na artista sa industriya.


Kabilang na ang mga Big Bosses ng GMA, Sanya Lopez, Ken Chan, Nadia Montenegro, Carmina Villaroel, kasama rin nila ang buong cast ng Abot Kamay ang Pangarap at marami pang iba.


 

@pepalerts Pretty duo #CarminaVillaroel and #WilmaDoesnt at @Jillian Ward’s 18th birthday #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH #JillianSuperstarAt18 #JillianSparklesAt18 #WeSparkle4Jillian ♬ original sound - PEP.ph

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo